>
New Topic
>
Topic Locked
Esato Forum Index
>
Regional >
Asia Pacific
> Pinoy Chit-Chat v2.1
Bookmark topic
is that p810/p900 finally for *real*?
ganda!!
--
Posted: 2003-07-28 08:35:45
Edit :
Quote
@nephelim, ecam is the camcorder for P800 with firmware version lower than R2D.
@GOwin, ganda ano? It's P900 daw and not P810. Pero it seems you can't remove the flip this time. Hmmmm.
--
Posted: 2003-07-28 08:40:39
Edit :
Quote
@GOwin, according to various threads here, P900 daw pero towards the end of the year ang labas.
@jepaz, thanks. So I guess this is different from the beta link 619 posted on the P800 thread?
_________________
"I do not fear computers. I fear the lack of them." -- Isaac Asimov
[ This Message was edited by: nephilim on 2003-07-28 07:53 ]
--
Posted: 2003-07-28 08:41:02
Edit :
Quote
@mari/619
ako rin di ko maintindihan post ko eh!
ulit ulit.. ayusin ko muna utak ko.
yung tawag sa landline, smart, globe, sun o kung ano mang cell, deductible sa free minutes. yung sms, kahit saang cell (kahit international o globe o sun) kasama din sa free allocation. yung gprs, mms, wap, internet at kung ano ano pang ka-ekek-kan, kasama din. basta sa kabuuan, wala akong dagdag na bayad on top of my MSF. ngayon ko lang naintindihan. yung sa globe ko kasi dati di ko malaman kung ano yung mga kasama e.
@619
ano pala di mo maintindihan dun? yung bill charges o yung tumabang madre?
[ This Message was edited by: mariolouis on 2003-07-28 08:16 ]
--
Posted: 2003-07-28 09:05:20
Edit :
Quote
@nep, yes that's correct. I tried ecam before and no effect with my unit since its already R2D. Then camcorder works w/ FW version of at least R2D. Then when not in use, exit the apps coz it drains the battery. That's what you expect from a beta version. I hope it will be resolve in future enhancements.
@xerx, turn off then on your phone.
[ This Message was edited by: jepaz on 2003-07-28 08:27 ]
--
Posted: 2003-07-28 09:07:21
Edit :
Quote
@*
anyone got sap who wants to swap with n7650 (3 weeks used, with warranty from smart) pt timz or me or anybody. thanks!
uwian na!
--
Posted: 2003-07-28 10:06:50
Edit :
Quote
Just got this from email. Pinoy nga. And no pun intended.
------------------------------------------------------------
Mahal kong Lt. SG Antonio Trillanes IV,
Magandang umaga/hapon. Nawa'y maigi ang iyong kalagayan d'yan sa stockade.
Magpahinga ka muna bago ka humarap sa court martial. Hindi bale nang litisin ka, nakapag-stay sa naman sa Oakwood, samantalang kami, pinaasa mong walang pasok ngayon. KJ ka talaga.
Sinulat ko ang liham na ito para puriin ka sa iyong kagitingan na ipaalam sa buong sambayanang Pilipino ang kabulukang nangyayari sa ating gobyerno.
Mabuhay ka.
Ang problema nga lang, alam na namin lahat iyon, Kapitan Trillanes.
Hindi na ninyo kailangan pang magtanim ng bomba at magpapogi sa inyong mga fatigues para lang ipaalam sa buong madla na may mga katiwalian sa gobyerno.
Hindi tuloy ako nakapanood ng Terminator 3, eh malapit nang mawala sa sine 'yon. Okay sana kung nagbakbakan kayo ng mga sundalo ng gobyerno. Mala-THE ROCK saka DIE HARD sana ang nangyari. Kaso, nagsisisigaw lamang kayo sa lobby ng Oakwood. Para ano pa ang inyong mga armband?
Sabagay pwede na kayong magtayo ng boutique na ang brand name ay Magdalo.
Pwde kayong magtinda ng mga armbands, fatigue-inspired pants, caps at shades. Ipwesto nyo dyan sa Oakwood para strategic ang location at may sentimental value pa. Bebenta kayo, promise.
Sa launch ng inyong boutique, pwede kayong maglagay ng mga bomba sa parking lot tapos magpaparty kayo doon. Masaya di ba?
Mabalik tayo sa layunin ng liham na ito. Yung sinasabi mong nagbebenta si Secretary Reyes ng bala sa mga rebelde, aba, lumang balita na 'yan. Alam na naming mga ordinaryong tao yan. Bakit?
Kaugalian na nating mga Pilipino ang mag-sideline di ba? Sa opisina nga
namin may nagtitinda ng tsinelas, beads, tocino, tapa, muffins saka bags.
Eh hayaan mo nang magbenta si Secretary Reyes ng bala sa kanila, baka gawang Taiwan lang naman yung mga bala na 'yon. Mahirap buhay eh, magkano lang naman sweldo ni Secretary Reyes. Malamang lumilihis yung mga bala o kaya puro supot.
Yun namang sinasabi mong si GMA ang nag-utos ng pambobomba sa Davao, alam na rin naming mga Pilipino 'yon. Kaw naman, Kapitan Trillanes, sa pagka-tsismoso nating mga Pilipino, sino ba naman hindi nakakaalam na gobyerno gumagawa ng mga kalokohang 'yon?
Plaza Miranda, Jabidah Massacre, pagpatay kay Ninoy, Rizal Day bombings, at kung anu-ano pang kababalaghan, alam na naming gobyerno gumagawa. Hindi naman kami istupido noh! Sabi nga ng mga taga-Assumption, "We're not like tanga naman..."
Ang drama-drama mo masyado, eh kami namang mga ordinaryong tao tinatawanan na lang mga katiwalian sa gobyerno. May linya ka pang "we're ready to die for our principles."
Huuu...if I know, gusto mo lang magpa-spa sa Oakwood kasi sira na ang iyong kutis dahil sa kagat ng lamok sa Basilan. Dapat sinabi mo na lang sa akin, may murang spa dyan sa Quezon Avenue, may "extra" pa.
Ayan tuloy, nagsara Glorietta ng isang isang araw. Lagot ka, milyon nalugi sa mga Ayala. Baka pabayaran lahat sa 'yo yan. At saka naman Kapitan Trillanes, next time kayo magta-take over ng anumang lugar, 'wag naman sa mall. Hindi bagay sa inyong mga fatigues and armbands. Sino ba scriptwriter ninyo? Tsugiin! Mali ang location ng action! Ni walang symbolic o strategic meaning ang Oakwood.
Hindi kayo nanood ng THE ROCK ano?
Hay nako, may pasok tuloy ngayon. Nabitin kami. Pogi points ka pa sa mga girls kasi ang guapo mo sa fatigue. Yun nga lang, you didn't die for your principles. May paiyak-iyak and hug pa kayo.
Kaya kayo tinatawanan ng Abu Sayyaf, malalambot ang puso ninyo, madrama kayo masyado. Ganyan ba kayo sa Basilan? 'Pag rat-ratan na, nagyayakapan na lang kayo at umiiyak? God, it's so nakakahiya naman to the enemy.
Hay nako, Kapitan Trillanes, mag-direct ka na lang ng pelikula ha? Tingin ko mas magaling ka pa kay Ang Lee kasi militar ka talaga. Maganda yung mga subplots na naisip mo. Maganda rin yung mga dialogue mo.
'Pag nag-direct ka na ng movie, make sure may bakbakang matindi sa huli.
Yung tipong mawawarak yung buong building. Yun, mas exciting, hindi yung katulad kahapon.
Nagmamahal,
Ang iyong tagahanga
--
Posted: 2003-07-28 10:29:23
Edit :
Quote
@crow: anu ba?! OO, BABAE YAN! Na may tattoo. Andami kayang babaeng may tattoo.
--
Posted: 2003-07-28 10:31:23
Edit :
Quote
nep/jep and other eps there is... i think we need the ecam if the firmware of P8 is r2d= for the Camcorder to work; if we are using R2F then there will be no need for the ecam... just get the CAMCORDER itself. i think...
mL- gets ko na. good deal pala ang smart addict.... siguro hiyang.
--
Posted: 2003-07-28 10:31:39
Edit :
Quote
@619, could be coz I installed ecam before then installed camcorder.
But I noticed, ang bilis nya maka-drain ng battery even if youre not using it. So I uninstalled it muna.
[ This Message was edited by: jepaz on 2003-07-28 10:08 ]
--
Posted: 2003-07-28 11:02:36
Edit :
Quote
New Topic
Topic Locked