Esato Mobile
Regional : Asia Pacific : Pinoy Chit-Chat v2.1
> New Topic
> Topic Locked
Esato Forum Index > Regional > Asia Pacific > Pinoy Chit-Chat v2.1 Bookmark topic
Page <  123 ... 307308309 ... 382383384>

mari Posts: 71

@mario- antaba nga nya! kakatuwa, she looks so peaceful.. wag mo na kaya guluhin?

@kap- pag nakuha mo na SAP mo, swap tayo ng 7250 ha

@clark- hi boss

@tom- wanna watch badboysII also.. pero gusto ko sa sinehan.
--
Posted: 2003-07-30 07:50:47
Edit : Quote

619 Posts: > 500

for bad games on saturday... sms me, so i can make reservations
--
Posted: 2003-07-30 08:04:20
Edit : Quote

kapitan jackal Posts: > 500

@ML- paki PM nga yung pbase link mo. @mari- ba't di ka kumuha ng SAP? Benta mo na yang BOKIA mo! oo nga, ba't di nagpo post si timz? Wala bang EB sa sat.?
--
Posted: 2003-07-30 08:19:21
Edit : Quote

clark27 Posts: 141

@mari: hehehe long time no toma ah!!! kaw musta na???? miss kna ung peps natin
@kap: oo nga e miss ko na din ung malate


[ This Message was edited by: clark27 on 2003-07-30 07:36 ]
--
Posted: 2003-07-30 08:19:23
Edit : Quote

vwbeetle Posts: 166

@scythe, 619 - meron ba kayong pizzicato five? penge naman...i-compile niyo lahat ng songs sa isang cd (wav format ha) tapos gawa kayo ng album cover na may pic nila tapos lista niyo yung mga songs na nasa loob pati length ng tracks. tia

p.s. ayoko ng sa cd king galing yung cd na gagamitin ha
--
Posted: 2003-07-30 08:41:08
Edit : Quote

jepaz Posts: 131

@vwb, di mo naman malalaman na galing sa CDR KIng yung CD e.
--
Posted: 2003-07-30 08:48:31
Edit : Quote

Scythe Posts: 124

@vwb: nyahahaha, actually kung di ako nakakita eh magpapahanap ule ako ng isang track kaso nakuha ko na sa net. Yung Closing theme ng Samurai X, japanese yun eh tas di ko maintindihan yung lyrics pwera lang sa sinasabing It's Gonna Rain. Yung track, is by Rurouni Kenshin. Nakuha ko na mp3. Ayos ba? hehehe.

[ This Message was edited by: Scythe on 2003-07-30 08:37 ]
--
Posted: 2003-07-30 09:09:14
Edit : Quote

Rotavap Posts: 47

@jepaz - pano uninstall ang opera? wala naman sya sa uninstall list?
--
Posted: 2003-07-30 09:16:46
Edit : Quote

jepaz Posts: 131

@rotavap, sure ka wala sa uninstall list mo? I checked mine, andun sya.

@kap, eto may nahanap na ako na reply ni Lt. Sonny Trillanes
Serious na ito.

===== Mula sa kaibigan ni Sonny =====
Natanggap ko na rin ito sa ibang kaibigan.
Heto'ng sagot ko. Maraming di sang-ayon sa akin dito,
pero ganun talaga. Seryoso mode muna.

Sana nga, ganun lang kasimple 'yun at ganun kadali
pagtawanan.

Pre, naranasan mo na ba makitang patayin ng kaaway ang
isa mong kaibigan? Kung hindi ka NPA, malamang, hindi. Naranasan mo na
bang pumatay? Mas mabigat ito. Yung kaibigan na namatay, lilipas din ang
sakit noon. Pero yung taong pinatay mo, baka di mo malimutan
habangbuhay.

Alam mo ba kung paano makipaglaban ang mga Scout
Rangers? Kadalasan, dala ng pangangailangang masorpresa
ang kaaway, kailangan mong gamitan ng bayoneta ang
tanod sa kampo ng rebelde na lulusubin nyo. Kung
naaalala mo pa ang bayonet training mo sa ROTC, di
biro pumatay sa pamamagitan ng bayoneta. Mararamdaman
mo ang laman ng taong pinapatay mo. Makikita mo pa ang
mukha niya habang unti-unti siyang namamatay -
makikita mo ang pagkabigla, pagmamakaawa, at ang
pagkalungkot sa mukha niya habang nari-realize niya na mamamatay na
siya.

Alam mo kung kanino ko ito natutunan? Sa isang
miyembro ng RAM na trainor namin sa ROTC (yun ang
parusa sa kanila, nademote at inilagay sa harmless na
positions sa NCRDC). Alam mo, pre, aktibista ako nung
college at meron akong natural aversion at pagkainis
sa mga RAM. Tingin ko sa kanila mga Marcos loyalists
at Gringo boys na disgruntled dahil di sila nabigyan ng
sapat na recognition at reward nung 1986. Pero dun sa
32 days na ROTC training ko sa Fort Bonifacio,
natutunan ko ring irespeto ang mga trainors namin. Di
naman pala lahat ng RAM/YOU members e mga bobong
Gringo fans. At higit sa lahat, natutunan ko sa kanila na di pala
"glorious" ang giyera (pangarap ko maging NPA commander dati e).

Akala ko, para sa mga Scout Rangers at sa iba pang mga
sundalo, sisiw ang labanan at ang sarap manalo sa
labanan. Hindi pala. Doon sa bayonet training namin,
inamin nung trainor na yung unang taong pinatay niya
sa pamamagitan ng bayoneta, naaalala niya palagi ang
mukha at di siya pinatulog ng ilang buwan.

Alam mo pre, tao rin yang mga yan, katulad natin.
Mahilig ding makinig ng mga kanta ni Noel Cabangon.
Yung trainor namin, si Capt. Flordeliza, narinig ko pa
minsan kumakanta ng kanta ng "Asin" - Cotabato.

Di biro itaya ang buhay para sa bayan.
At lalong di biro kumitil ng buhay "para sa bayan". At
kapag narealize mo na itinaya mo ang buhay mo,
at kumitil ka ng buhay para sa mga layuning taliwas
pala sa interes ng bayan, pagkatapos mong bangungutin
at lahat dahil sa mga kaibigan mong namatay at sa mga
"kaaway" na pinatay mo - di ka ba maiinis at kukuha ng
M-60 at mag-rarambo? Kung tutuusin, napakaayos pa nga
ng ginawa nila Trillanes.

Ewan ko sa inyo, pero ako, kahit na di naman ako
nagbuwis ng buhay at di naman ako pumatay, medyo
naiintindihan ko ang pagkabuwisit ng mga sundalong
ito. Naalala mo ba ang mga sakripisyong hiningi sa
atin ng dot-com employer mo? Tapos wala namang kinahinatnan? Ano
naramdaman mo nung narealize mo na balewala lahat ng pagpapagod at
pagpupuyat?

Ako, naka-tatlong palpak na dot-com at
isang palpak na startup ako. Buti ako, meron naman
akong naipong IT skills in the process na magagamit ko
para bumangon muli. E itong mga sundalong ito, ano ang saysay ng naipon
nilang karanasan sa pagpatay?

Pangalawa, pre, paalala lang, di imposibleng totoo ang
mga bintang nitong mga sundalong ito. Kung babalikan
natin ang kasaysayan, may gumawa na nito 30 years ago.
Na-trace na ba kung saan nakakuha ng C-4 ang mga
teroristang nangbomba sa Davao? Sa pagkakaalam ko
kasi, di madali makakuha ng C-4, at AFP lang dapat ang
meron nito sa Pilipinas. Kung "nanakawan tayo" ang
palusot, may nag-imbestiga ba kung bakit ganun tayo
kadali manakawan?

Hinay-hinay sa pagbibiro, pre. Dahil di na nakakatawa
kung totoong pinaglalaruan ng mga pulitiko ang buhay
at kamatayan - literally - ng mga Pilipino.

Kung ipinasa nyo sa mga kaibigan nyo yung open letter
na nakakatawa, sana ipasa niyo rin ito.


Radamanthus Batnag
--
Posted: 2003-07-30 10:08:04
Edit : Quote

rissa Posts: 0

@mari PM -- aliw naman.. hehehe.. kilala mo pala brother ko? you're one cool girl!

@scy -- di na natuloy ang gym visit mo.. nga no.. di na tayo gimik.. kelan ba?



[ This Message was edited by: rissa on 2003-07-30 09:42 ]
--
Posted: 2003-07-30 10:41:51
Edit : Quote
Page <  123 ... 307308309 ... 382383384>

New Topic   Topic Locked
Forum Index

Esato home