Esato Mobile
Regional : Asia Pacific : Pinoy Chit-Chat v2.1
> New Topic
> Topic Locked
Esato Forum Index > Regional > Asia Pacific > Pinoy Chit-Chat v2.1 Bookmark topic
Page <  123 ... 314315316 ... 382383384>

kapitan jackal Posts: > 500

@ML- pards, yung picture mo na ipo-post ko sa site ng esato, andito pa rin naka save sa pc ko. kailan ko kaya ipapaskel to

WAAAAAAAAAH!!!! TAMARAWS WON! TAMARAWS WON!! against DLSU



[ This Message was edited by: kapitan jackal on 2003-07-31 11:26 ]
--
Posted: 2003-07-31 12:16:37
Edit : Quote

Rotavap Posts: 47

Putek two points... nagkalat kase sa 4Q...


--
Posted: 2003-07-31 13:02:30
Edit : Quote

tom_riddle Posts: 292

@kap, bro pt ko sa yo. Tnx. This message was posted from a T610
--
Posted: 2003-07-31 13:07:19
Edit : Quote

kapitan jackal Posts: > 500

@Tom- ingat sa byahe pards. no problem. sorry to hear the (bad) news

@Bons- confirm na (from rota). dlsu lost to FEU
--
Posted: 2003-07-31 13:42:10
Edit : Quote

bonito99 Posts: 368

yeaaaaaaaaah! feu! feu! feu!
btw ...Ateneo won over Adamson
--
Posted: 2003-07-31 14:52:01
Edit : Quote

ferrarista44 Posts: > 500

@kap jak- from a 10(?)-point lead? waaah! ok lang.


*question (myGlobe MMS)
1. if i send an MMS, and in the end it says error, without the "message sent" confirmation of course, do i get charged?
2. when sending MMS, do i get charged differently for GPRS as well? or just the MMS message charge at P5/msg regardless the size of the MMS?
--
Posted: 2003-07-31 15:10:08
Edit : Quote

vwbeetle Posts: 166

@jepaz - seryoso ba talaga yung e-mail na nakuha mo? galing sa kaibigan ni Lt. Trillanes?

ang point niya hindi dapat pagtawanan yung mga dinaranas ng mga sundalo? dahil mahirap din sa damdamin nila ang pumatay? masakit daw sa damdamin nilang makitang unti-unting namamatay yung sinaksak nila ng bayonet? hanep ah. parang gusto kong maiyak sa awa, na-realize ko na kawawa naman nga sila. biro mo habang-buhay nilang dadalhin yung malungkot na alaala ng napatay nila, habang yung napatay nila wala nang problema-- namamahinga na na kasama ang panginoon! dapat talaga bigyan ng mas mataas na sahod yung mga sundalo bilang pambayad sa therapy everytime may napapatay sila. kasi ngayon ang ginagawa nilang therapy ay yung mag-inuman sa beerhouse at pagbabarilin yung mga civilians na masama ang tingin sa kanila, or umagaw ng pwesto nila sa parking.

saka agree ako na silang mga sundalo lang ang may legitimate na complaint sa gobyerno kaya sila lang ang may karapatang mag-coup. kasi yung mga nakikita mong mahihirap na nakakalat sa kalsada na walang makain, walang matirhan at walang trabaho eh wala naman dapat ireklamo yun, kasalanan nila yun--kaya sila mahirap eh dahil tamad sila. masakit ba naman yung nakikita nilang unti-unting namamatay yung mga anak nila sa gutom? dapat nga masaya sila kasi pag namatay yung mga anak nila, hindi na makakaranas yun ng hirap sa pagtanda nila. mas masakit talaga yung dinaranas ng sundalo na makita nila yung kasama nilang astig na sundalo na pinapatay ng npa o muslim-- di hamak na mas masakit yun! aba, ang tagal ng pinagsamahan nila sa academy! sabay sabay silang mga plebes na pawang mga anak ng heneral na kinokoryente sa shower! tapos mamatay lang sa field? mamamatay ng batambata at ni hindi nakaranas na ma-alis sa mindanao at makatikim ng kotong sa jueteng.

saka isa pa, ang sundalo walang choice! pwede ba naman silang mag-iba ng trabaho? eh di hindi sila naging heneral, paano sila makakabili ng bahay sa ayala alabang saka corinthians? paano sila magiging politiko, consultants, usec, asec, ambassador at presidente kung mag-resign sila sa pagka-sundalo? di tulad ng mga mahihirap na civilians na may choice, pwede silang maging masipag at magtrabaho!

bayani talaga yang si trillanes na yan. halatang halata naman na ang bayan talaga ang iniisip niyan. nung maglagay sila ng C-4 sa paligid ng oakwood, ginawa nila yun para sa kapakanan ng bayan. gusto niyang baguhin ang bulok na sistema. bakit, mga pari at obispo lang ba ang pwedeng maki-alam sa pulitika?
--
Posted: 2003-07-31 16:27:21
Edit : Quote

kapitan jackal Posts: > 500

AMEN!


(pasingit)

so DLSU beat UE, FEU beats DLSU. now, lets see who will win FEU against UE


Good nite pcc

time check- 11:25pm

[ This Message was edited by: kapitan jackal on 2003-07-31 16:28 ]
--
Posted: 2003-07-31 16:50:22
Edit : Quote

kapitan jackal Posts: > 500

Just watched DEBATE. The usec beside biason, a member of 1988-89 coup's said that- A WEAK MILITARY = A WEAK COUNTRY teka? Cno na nagpalis kay marcos at erap? Ang military or ang mamamayan?
--
Posted: 2003-07-31 19:17:09
Edit : Quote

Jowi Posts: > 500

Feu WILL beat Ue... expected na yan...diba Kap?
--
Posted: 2003-07-31 20:51:19
Edit : Quote
Page <  123 ... 314315316 ... 382383384>

New Topic   Topic Locked
Forum Index

Esato home